--Ads--

CAUAYAN CITY – Si Kalihim Leonor Briones ng Department of Education (DepEd) ang magiging panauhing pandangal sa kauna-unahang pagdaraos sa ikalawang rehiyon ng  Regional Invitational Sporting Event (RISE).

Inanyayahan ding maging panauhin si Tokyo Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz.

Patuloy naman ang  mga huling paghahanda ng DepEd Cauayan City para sa pag-host sa  RISE.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Alfredo Gumaru, Schools Division Superintendent ng  DepEd Cauayan City na patuloy ang pagmonitor nila sa mga playing venues sa lunsod.

--Ads--

Umaabot  sa 90% hanggang 95% na maayos ang kanilang paghahanda para sa regional sporting event.  

Ayon kay Dr. Gumaru, dalawa ang kanilang foucus ngayon.

Una ay ang kanilang paghahanda para sa pagiging host at ikalawa ay ang pagtutok sa paghahanda ng mga atleta na kakatawan sa Lunsod ng Cauayan.

May mga personnel aniya ng DepEd  na nakatutok sa mga paghahanda at sa pag-eensayo ng mga atleta.

Ipinaliwanag ni Dr. Gumaru na iba ang RISE sa CAVRAA Meet na  complete package dahil ay mga manlalaro ay mula sa elementarya hanggang sekundarya at walang limit ang mga sporting events.

Sa Regional Invitational Sporting Events na naka-pattern sa CAVRAA Meet  ay limitado lamang sa mag-aaral sa sekundarya at limitado rin ang mga laro.

Layunin ng pagdaraos ng RISE na maipakita pa rin ng mga mag-aaral ang kanilang husay at galing sa larangan ng palakasan sa gitna ng pandemya.

Sinabi ni Dr. Gumaru na sa RISE ay 17 lamang ang  mga sporting events na kinabibilangan ng archery, basketball, volleyball, athletics, swimming, arnis, badminton, baseball, billiards dancesports, sepak takraw at taekwondo.

Maliban sa baseball ay may mga kalahok  ang delegasyon  ng Lunsod ng Cauayan sa 16 sporting events.

Simula bukas, April 22, 2022 ay darating na ang mga delegado mula sa ibat ibang lalawigan sa ikalawang rehiyon.

Ang bahagi ng pahayag ni Dr. Alfredo Gumaru Jr.