CAUAYAN CITY- Nagsagawa na kamakailan ng pagpupulong ang hanay ng mga law enforcement unit para sa pagdedeploy ng mga security team sa darating na gaway-gawayan festival
Kabilang dito ang hanay ng PNP Cauayan, BFP Cauayan, POSD, rescue 922 at iba pang concerned agencies
Ayon kay Pltcol Ernesto Nebalasca Jr. ang chief of police ng Cauayan Police Station, maaga ang ginawa nilang pagplaplano para sa aktibidad
Ito ay upang masiguro na planado at magiging ligtas ang lahat ng bibisita at pupunta sa festival
Bukod pa rito ang hanay ng mga barangay officials na magsasagawa at maglalatag din ng kanilang mga security personnel
Batid din ng opisyal na malaking bagay ang maagap na pagpaplano upang masiguro na matugunan at magawan ng paraan kung may problema mang lilitaw
Sa ngayon, pinaplantsa nalang ang magiging placement ng bawat security team para sa pagdiriwang ng gaway-gawayan festival.