--Ads--

Nag-deploy na ang Commission na Elections (Comelec) ng unang batch ng automated counting machines (ACMs) na gagamitin sa May 12 elections sa tatlong lugar sa Mindanao.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na 3,700 ACMs ang na-deploy mula sa Biñan, Laguna warehouse sa kanilang regional hub sa Iligan City, Kidapawan City at Zamboanga City.

Sa Iligan City hub, ilalagay rito ang ACMs para sa Lanao del Norte, Lanao del Sur at Iligan City habang ang hub sa Kidapawan City ay ilalagay ang ACMs na para naman sa Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur at Cotabato City.

Sa Zamboanga City hub naman ay ang ACMs na inilaan para sa Basilan, Sulu, Tawi-Tawi at Zamboanga City.

--Ads--

Sa midterm elections, gagamit ang Comelec ng 110,000 ACMs kabilang ng contingency machines.

Sinabi ni Garcia na target makumpleto ang deployment ng mga makina bago ang Final Testing and Sealing ng vote-counting machines na alinsunod sa ilalim ng Poll Automation Law.