--Ads--

CAUAYAN CITY- Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ayusin muna ang problema bago tukuyin kung sino ang may sala sa pagguho ng Cabagan-Sta. Maria Bridge.

Sa ambush interview kasabay ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Cabagan-Sta. Maria Bridge, sinabi niya na isa sa sisiliping dahilan sa pagiging marupok o mahina na pundasyon ng tulay ay ang kakaibang disenyo nito.

Sa katunayan aniya unang nakapag allocate ng pondo na 1.8 billion para sa proyekto subalit tinapyasan hanggang 1 billion pesos para makatipid ang Pamahalaan.

Ang dapat na disenyo ng tulay ay isang suspension bridge subalit sa halip na cable ang gamitin para sana mapatibay ito ay bakal ang ginamit , nakaapekto din ang arko na hindi nag extend sa gitna ng tulay na dapat sana susuporta sa bigat nito.

--Ads--

Kung matatandaan nag sagawa ng retro fitting sa tulay matapos maglitawan ang ilang cracks para ayusin ang naturang problema maliban pa na hindi pasok sa required weight ng tulay na 44 metric tons lamang ang umano’y mga dump truck na kargado ng malalaking bato.

Giit pa niya na sa halip na makatipid ay mas lalo pa ngayong mapapagastos ang Pamahalaan dahil sa back to zero muli ang pagsasaayos nito kung saan mangangailangan nanaman ng malaking halaga na parang gumawa muli ng bagong tulay.

Kaugnay naman sa sino ang may kasalanan malinaw naman aniya na ang gumawa ng disenyo ng tulay ang posibleng may sala dahil nagresulta ito sa mahinang pundasyon.

Kung matatandaan na una naring inihayag ng Presidential Communications Office o PCO na lumalabas sa kanilang initial investigation na lumagpas sa kapasidad ng tulay ang tatlong dumptruck na overloaded ng boulders na dumaan sa tulay kahit pa ang capacity lamang nito ay 44 metric tons.

Nilinaw naman ng PCO na hindi lamang ang Duterte Administration ang maaaring panagutin sa pagguho ng tulay kundi maging ang mga nagdaan pang administrasyon ng masimulan ang proyekto noong 2014 hanggang matapos ngayong 2025.