--Ads--

CAUAYAN CITY – Piniling manahimik ni Bb. Salwa Akar tungkol sa isyung pagtanggal sa kanya ng titulo bilang Miss Earth Lebanon 2018.

Sa pagbisita sa Isabela  ng 28 kandidata ng Miss Earth 2018  ay kapansin-pansin ang pagsama ni Akar sa mga kandidata subalit hindi na bilang bahagi ng Miss Earth kundi   bilang supporter na lamang.

Ayon kay Bb. Akar, susuportahan na lamang  niya  ang mga kandidata at ang kanilang mga adbokasiya at huwag nang pag-usapan ang isyu kaugnay sa pag-dethrone sa kanya ng Lebanon.

Magugunitang binawi ang korona ni Bb.  Salwa Akar bilang kinatawan ng Lebanon matapos  i-post ang selfie nila ni Miss Israel  Daza Zreik.

--Ads--

Ang Israel at Lebanon ay ilang taon nang may alitan at  pinagbabawalan na makapasok sa Lebanon ang mga may g Israeli passport.

Nasa Isabela ngayon ang 28 na  kandidata ng 2018 Miss Earth para sa resorts wear at talent competition na  bilang bahagi ng Mengal Festival ng Echague, Isabela.