
CAUAYAN CITY– pangunahing tinalakay sa ginanap na Second Regional Barangay Congress sa Baguio City ang devolution transition plan in Barangay.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Liga ng mga Barangay President at Ex-officio member Dante Halaman ng Isabela na ilan lamang sa nakibahagi ng Second Regional Barangay Congress mga kawani ng DILG, PDRRMO,Provincial Information Officer.
Nagsimula anya ang Second Regional Barangay Congress noong March 27-29, 2022 .
Naging speaker si DILG Provincial Director Mirasol Toribio ng Isabela kung saan kanyang binigyang diin ang tungkulin ng bawat opisyal ng barangay.
Pangunahing tinalakay ang mga dapat malaman at kung anong gawin ng mga opisyal ng barangay pangunahin na sa budgetting o devolution transition plan.
Naging maganda naman anya ang kinalabasan nito dahil kapansin pansin na naging seryoso ang mga opisyal ng barangay sa naturang usapin.
Bukod dito ay tinalakay din ang legality ng paghawak ng pera ng barangay upang hindi masampahan ng kaso sa Ombudsman.










