Mahigpit na minomonitor ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang naganap na mass shooting sa Tumbler Ridge Secondary School sa British Columbia, Canada nitong Pebrero 10, 2026 na ikinasawi ng ilang indibidwal.
Walang opisyal na kumpirmasyon sa ngayon tungkol sa pagkakakilanlan o nasyonalidad ng mga nasawi at nasugatan, kabilang ang anumang posibleng mga Pilipino na maaaring nadamay sa insidente.
Sa ngayon ay patuloy na nakikipag-ugnayan ang Philippine Consulate General sa Vancouver sa mga lokal na awtoridad upang makilala at mabigyan ng agarang tulong ang mga Pilipino na maaaring naapektuhan o may pamilya sa lugar.
Dahil sa pangyayari, nananatiling handa ang DFA at ang Philippine Consulate sa Vancouver na magbigay ng consular assistance para sa mga nangangailangan, lalo na kung may mga Pilipinong direktang naapektuhan.









