--Ads--

CAUAYAN CITY – Sa halip na tigil pasada ay nagsagawa lamang ng transport caravan ang mga tsuper ng mga pampasaherong jeep sa Cauayan City kasabay ng malawakang tigil pasada sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Rolando Sayago,  secretary general ng asosasyon ng mga namamasadang jeep sa Cauayan City na transport caravan ang lamang ang kanilang isinagawa bilang pagsuporta sa transport strike.

Nagsagawa rin sila ng sabayang pagbusina ng kanilang mga jeep bilang pagtutol sa panukalang pag-phaseout sa mga lumang jeep.

Ipinaliwanag ni Ginoong Sayago na hindi sila nagsagawa ng tigil pasada upang hindi maperhuwisyo ang kanilang mga pasahero,

--Ads--

Nilimitahan nila ang bilang ng mga sumali sa transport caravan upang hindi sila makapagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa Cauayan City.

Hiniling ni Sayago ang suporta ng mga mamamayan sa kanilang ipinaglalaban sa isyu ng pag-phaseout sa mga lumang pampasaherong jeep dahil mawawalan sila ng kabuhayan.