--Ads--

Inilunsad ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang Oplan Paskong Sigurado Campaign na layong maiiwas ang publiko sa scams o panloloko.

Inilahad ng DICt ang 12 scams of Christmas kabilang ang Online shopping scam, Fake delivery scam,Call scam o job Scam, Investment Scam, Love scam, Loan Scam, Impersonation scam, Travel scam, Charity scam, Middleman scam, ay online gambling scam.

Ayon kay Engr. Bryan Tomas, Systems analyst 2 ng DICT, sa susunod n Linggo ay isasagawa nila ang isang seminar kaugnay sa Cyber Security Awareness.

Nakapaloob dito ang isang webinar kung saan bibigyan ng impormasyon ang publikokung paano at ano ang dapat gawin para makaiwas sa scams.

--Ads--

Hinikayat niya ang publiko na makiisa sa mga programa ng DICT para labanan ang scam.