--Ads--

Mas paiigtingin ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Isabela ang isinasagawang cybersecurity trainings at lecture sa iba’t ibang sector bilang tugon sa pagdami ng mga naipapaulat na nabibiktima ng online scam sa lalawigan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Biegh John Paul Alonzo, Information Officer II ng DICT Isabela, sinabi niya na pangunahing tinututukan ng kanilang programa ang mga estudyante at mga matatanda dahil sila ang itinututing na prone o madalas na mabiktima ng scam mga online platforms.

Aniya, ang mga kabataan ay aktibo sa paggamit ng social media at digital application habang ang mga nakatatanda naman ay kulang pa umano sa kaalaman pagdating sa makabagong teknolohiya dahilan upang sila’y madaling maging target ng mga manloloko.

Kabilang sa mga tinatalakay cybersecurity trainings ang iba’t ibang uri ng online scam gaya ng phishing, pekeng online invenstment, at panlilinlang gamit ang pekeng social media account.

--Ads--

Itinuturo rin sa mga kalahok ang tamang pagprotekta sa mga personal na impormasyon, paggamit ng matibay na password, at pag-iwas sa pagbubukas ng kahina-hinalang link o mensahe.

Nagpaalala rin ang ahensya sa publiko na maging maingat sa anumang transaksyon online at agad na ireport sa mga kinauukulang ahensya ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang maiwasan ang pagdami pa ng mga biktima.