--Ads--

Pinapaigting ng Department of Information and communications Technology o DICT Isabela ang monitoring sa bawat Government Agencies laban sa cyber-attacks.

Ito ay para matiyak na protektado ang bawat impormasyon na hawak ng bawat ahensya ng gobyerno.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DICT Isabela Provincial Officer Cirilio Gazzingan Jr., sinabi niya na binabantayan din nila maging State Universities and Colleges para matiyak ang  seguridad

Dagdag pa ng opisyal, ang cyber attacks ang isa sa mga panganib na dala ngayon ng teknolohiya na marahil ay hindi alam ng karamihan

--Ads--

Kaya naman, mas pinaiigting pa ng kanilang hanay ang pagtutok may kaugnayan dito

Samantala, muli ring nagpaalala ang DICT sa publiko lalo na sa mga may mga digital wallet at digital banks na maging maingat sa mga binubuksang link

Talamak kasi ngayon ang mga nagsesend ng mga link lalo na sa mga via text o email kung saan marami ang nabibiktima

Ayon sa opisina, mahalaga na maging maalam ang karamihan at maging maingat sa mga link na kanilang natatanggap upang hindi mabiktima ng cyber attacks

Giit pa ng DICT, mauutak ang mga gumagawa ng ganitong klase ng scam kaya dapat ay maging matalino tayo sa aksiyon na ginagawa natin

Maliban naman sa pagsugpo sa cyber crime o cyber attacks ay may iba’t iba pang aktibidad ang DICT ngayong Hunyo bilang bahagi ng ICT Month kung saan kabilang dito cyber Awareness maging Cyber Security at  ang pagpapalakas ng Date Privacy Act.

Sa pakikipagtulungan sa DepEd ngayong pasukan ay papalakasin ang pangangalaga sa datos ng mga estudyante.