--Ads--

CAUAYAN CITY – Malapit nang mailunsad sa lunsod ang DICT Vaccination Administration System o DVAS na makakatulong upang mas mapabilis ang transaksyon sa mga vaccination sites.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DICT Isabela Provincial Head Cirillo Gazzingan Jr., sinabi niya ang DVAS ay parte ng Vaccine Information Management System na nadevelop ng DICT bilang suporta sa National Immunization na programa ng pamahalaan.

Aniya makakatulong ito sa pagpapaikli sa oras ng transaksyong gugugulin ng isang indibidwal na magpapabakuna.

Sa kasalukuyan ay mahaba ang proseso ng pagpapabakuna kaya malaking tulong ang DVAS na mayroon nang registry system.

--Ads--

Kasalukuyan na ang pagsasanay ng mga kawani ng City Health Office 1 at 2 kung paano gamitin ang nasabing sistema.

Inaasahang mailulunsad ang DVAS sa susunod na linggo at dadaluhan ni DICT Secretary Gringo Honasan ang kickoff upang personal na makita ang implementasyon ng bagong sistema.

Ang bahagi ng pahayag ni DICT Isabela Provincial Head Cirillo Gazzingan Jr.