--Ads--
Nagsumite na ng aplikasyon ang Department of the Interior and Local Government para sa isang Interpol red notice laban kay dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co.
Ayon kay DILG Sec. Jonvic Remulla, inaasahan nilang mailalabas ang red notice anumang oras sa loob ng linggong ito o sa susunod.
Sinabi rin ni Remulla na kasalukuyang nasa Portugal si Co at nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa umano’y maanomalyang flood control project.
Batay sa Interpol, ang red notice ay isang abiso sa mga law enforcement agencies sa buong mundo upang hanapin at pansamantalang arestuhin ang isang indibidwal habang hinihintay ang extradition o iba pang legal na proseso laban dito.
--Ads--











