CAUAYAN CITY– Hinikayat ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga kumamdidato na sampahan ng kaso ang mga opisyal ng barangay na nakialam sa nakalipas na midterm election.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Regional Director Jonathan Paul Leusen Jr. ng DILG region 2 na bagamat naging mapayapa ang pangkalahatang halalan sa rehiyon ay may ilang reklamo ukol sa mga opisyal ng barangay na nagsagawa ng vote buying at lantaran ang pagsuporta sa kanilang kandidato.
Anya bukas ang kanilang opisina na tanggapin ang mga magnanais na magsampa ng kaso.
Hinikayat din niya ang mga concerned Citizen na may hawak na ebidensiya na magpapatunay sa pangingialam sa eleksyon ng opisyal ng barangay ay maaaring maidulog umano ito sa Pulisya at sa COMELEC.
Umaasa naman siya na susuportahan ng mamamayan ang mga nanalo sa halalan sa buong rehiyon.