--Ads--

May paalala ang Diocese of Ilagan kaugnay sa mga akmang kanta na ginagamit para sa Holy Matrimony o Matrimoniya ng Kasal.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Fr. Peter Simangan

Director ng Commission on Worship and Liturgy ng Diocese of Ilagan, sinabi niya na bilang isang bahagi ng Simbahang Katolika ay kailangang isaalang-alang na ang Kasal bilang isang banal na sakramento.

Sa katunayan niya ang polisiya ng Diocese of Ilagan ay mahigit isang taon nang ipinapatupad subalit ito ay unti-unting nakakalimutan.

--Ads--

Ilan sa dapat isaalang alang ng mga ikakasal ay ang klase ng awitin na kanilang gagamitin o Liturgical Music na aprubado ng Simbahan.

Paalala rin ng Diocese of Ilagan na kahit pa maganda ang boses ng Groom at Bride ay hindi maaari na sila mismo ang kakanta sa sarili nilang Kasal.

Sa katunayan na bahagi lamang ang mga paalalang ito sa marami pang mga Polisiya na ipinapatupad ng Simbahan.