CAUAYAN CITY- Dalawang usapin ang inaayos ngayon ng pamahalaan ng Pilipinas na sigalot sa bansang kuwait.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na inaayos na ng pamahalaang ng Pilipinas sa Kuwait ang usapin sa diplomatic ties at labor sector pangunahin na ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers sa nasabing bansa .
Inamin ni Kalihim Andanar na ang nangyari sa pagligtas sa mga OFW sa Kuwait ay naging suliranin ng bansa at mayroong responsibilidad ang Department of Foreign Affairs (DFA).
Habang ang nagaganap na pananakit at pagpapahirap sa mga OFW ay labor concerned ng bansa.
Inihayag pa ni Kalihim Andanar na nagpahayag na ang kuwait nang pagnanais na maayos na ang gusot habang patuloy naman ang pakikipag ugnayan ng DFA sa nasabing bansa.
Inihayag pa ni Kalihim Andanar na ang mga OFW sa Kuwait na nais nang umuwi sa Pilipinas ay sasagutin ang kanilang pamasahe habang ang mga nais manatili ay walang magagawa ang pamahalaan.




