--Ads--

CAUAYAN CITY – Ipinatupad simula kahapon ang mandatory na pagsusuot ng facemask sa mga pampublikong tanggapan sa Cabatuan, Isabela matapos magpositibo sa antigen test at RT-PCR test ang 16 na kawani ng pamahalaang lokal.

Dahil dito agad na nagsagawa ng disinfection sa mga tanggapan ng Local Government Unit (LGU).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mayor Bernardo Garcia na half-day lamang ang pasok ng mga kawani ng LGU Cabatuan kahapon at nag-isolate at sumailalim na sa home quarantine sa loob ng 7 araw ang 16 na kawani ng pamahalaang lokal na nagpositibo sa COVID-19.

Ang 16 na nagpositibo sa antigen test ay pawang walang sintomas na naramdaman kaya isinailalim sila sa RT-PCR test ngunit positibo pa rin sila sa virus.

--Ads--

Sinabi ni Mayor Garcia na bagamat negatibo siya ay kinailangan pa rin niyang mag-isolate dahil close contact siya ng kanyang driver na nagpositibo sa COVID-19.

Wala naman aniyang travel history ang mga nagpositibo sa virus at hindi nila alam kung paano nila ito nakuha.

Mahigpit na rin nilang ipapatupad ang pagsusuot ng face mask sa mga pampulikong lugar pangunahin na sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Ang mga kawani ng Rural Health Unit (RHU) at mga kasapi ng PNP Cabatuan ang magpapatupad ng mandatory face mask sa mga pampublikong lugar.

Magbibigay din sila ng libreng facemask at malawakang information dessimination kaugnay sa pagsusuot nito.

Ang mga tinamaan ng COVID-19 ay nabakunahan na at ang ilan sa kanila ay hindi pa nagpa-booster.

Tinig ni Mayor Bernardo Garcia.