--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahigpit na imomonitor ng Deparment of Trade and Industry (DTI) region 2 ang presyo ng mga school supplies kaugnay ng pagbubukas ng klase sa August 22, 2022.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Asst. Regional Winston Singun ng DTI region 2 na magpo-focus sila sa pagmonitor sa presyo ng mga school supplies.

Nagpaplano na rin sila na magsagawa ng Diskuwento Caravan ng mga gamit sa eskwela.

Isasagawa nila ito sa mga bayan at lunsod na may mahihikayat silang supplier na magbenta nang may diskuwento.

--Ads--

Sinabi ni Ginoong Singgun na nagpatawag sila ng pulong sa mga provincial director sa ikalawang rehiyon at tinalakay ang pagsasagawa ng Diskwento Caravan sa bawat lalawigan.

Depende ito sa tugon ng mga supplier sa  mungkahing magbenta ng mga gamit sa eskuwela  sa mas mababang halaga.

Aasahan aniya na mas mababa ang presyo ng mga gamit sa paaralan na lumang stock ng mga supplier at distributor dahil sa nakaraang dalawang taon na pandemya.