Isinasagawa ngayong araw ang Division Educators summit 2025 na dinaluhan ng lahat ng mga School heads at stakeholders ng Schools Division Office ng Cauayan.
Ang Educators summit 2025 ay may temang “Embracing the academic recovery and accessible Learning o ARAL program” ay alinsunod din sa pagdiriwang ng World Teachers Month ngayong taon.
Ayon kay SDO Cauayan information Officer Gemma Bala, layunin ng summit na magkaroon ng sapat na awareness ang mga guro kung papaano matutugunan ang problema ng mga mag aaral pagdating sa pagbabasa.
Tungkulin ng Aral program na gawaing universal ang strategies sa pagtuturo upang matulungan ang mga estudyanteng nahihirapan partikular sa pagbabasa, matematika at siyensya.
Giit ng information officer, ang summit ngayong araw ay upang maipakita sa mga school heads at stakeholders ang kahalagahan ng kanilang ginagampanan para sa ikatututo ng mga bata.
Nakatakdang magsimula ang implementasyon ng Aral progam sa mga mag aaral ngayon kung saan matutukan ang lahat ng mga mag-aral.
Partikular na ang pagtutok sa mga estudyanteng non-readers na nakakatuntong sa mas mataas na baitang.
Ayon kay Maam Bala, marami nang paraan ang ginagawa ng DepEd upang tugunan ang bilang ng mga non readers na estudyante.
Umaasa ang mga ito na ang nmang aral program ay isa sa magiging solusyon upang mas mapababa ang bilang ng mga mag aaral na hindi nakakapagbasa.











