--Ads--

CAUAYAN CITY- Naging matagumpay ang Division Kick-off ng Brigada Eskwela ngayong taon ng Schools Division Office Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Normando Orias , Senior Education Specialist ng SDO Isabela sinabi niya na naging matagumpay ang unang araw ng Division Kick off ng Brigada Eskwela.

Aniya, bagamat naging maulan dahil sa epekto ng Bagyong Carina ay marami parin ang nakiisa sa Division Kick Off sa Dagupan Elementary School kasama ang ilang volunteers at stake holders.

Matapos ang Brigada Eskwela ay nakita ang ilang pangangailanngan na dapat punan sa iba’t ibang eskwelahan sa lalawigan ng Isabela gaya ng learning resources, school supplies at learning materials.

--Ads--

Sa ngayon ay pinaghahandaan na ang Regional  Brigada Kick Off sa Alicial National Highschool kaya puspusan ang kanilang pakikipag- ugnayan sa mga stake holders kasama ang mga guro para sa ginagawang occular inspection.

Samanatala, aminado ang SDO Isabela na problema parin ang kakulangan ng mga silid aralan sa iba’t ibang eskwelahan sa Lalawigan.