--Ads--

Mas lalong paiigtingin ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagpapalaganap ng programa na naglalayong sugpuin ang mga illegal recruitment at trafficking in person sa Pilipinas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DMW USec. Bernard Olalia, sinabi niya na na maraming mga Pilipino ang nabibiktima ng ilegal recruitment at online scam na talamak ngayon sa bansa.

Nakikipag-ugnayan aniya sila sa iba’t ibang mga lisensyadong recruitment agencies na makilahok sa mga isasaga nilang job fair para sa mga nagnanais na makapag-abraod upang maiwasang mabiktima ang mga Pilipino ng illegal recruitment.

Plano naman nilang magtayo ng mga satellite offices sa iba’t ibang lugar sa bansa pangunahin na sa Lungsod ng Ilagan upang mailapit ang kanilang serbisyo sa taumbayan.

--Ads--

Hinikayat naman niya ang nagnanais na mag-trabaho abroad na huwag mahiyang magtungo sa mga tanggapan ng OFW upang matulungan sa paghahanap ng employer at makaiwas sa mga illegal recruitment.