Wala pang ipinatutupad na mandatory repatriation ng mga Pilipino sa Gitnang Silangan, ngunit tiniyak ng pamahalaan na handa ito kung lalala ang tensyon sa rehiyon.
Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, nasa 100 Pilipino sa Dubai ang nagpahayag ng kagustuhang umuwi. Ito’y kasunod ng mga pag-atake ng Iran bilang ganti sa US at Israel, kung saan tinamaan ang isang luxury hotel at nagkaroon ng insidente sa Dubai International Airport.
Sa kasalukuyan tinatayang 2.2 milyon ang Pilipino sa Gitnang Silangan).
Dahil sa kaguluhan umiiral ang Level 4 (mandatory evacuation) sa Gaza, Syria, Yemen, Level 3 (voluntary repatriation)sa Iraq at Lebanon, Level 2 (restrictions)sa Iran, Israel, West Bank, Kurdistan at Level 1 (precautionary)sa Jordan
Walang alert level pa sa UAE, Kuwait, Bahrain, Qatar.
Kaugnay nito, handa naman ang AFP na mag-deploy ng C-130 aircraft para sa mass repatriation kung kinakailangan.
Sa ngayon nakapagtala na ang Pilipinas ng isang pagkasawi sa katauhan ni Mary Anne Velazquez de Vera, isang caregiver, nasawi sa airstrike sa Israel.
Nakatakdang iuwi ang labi ng OFW at tiniyak ng DMW mabibigyan ng tulong ang pamilya.
Samanatala, Isang OFW sa Kuwait ang nasugatan sa drone attack ngunit nakalabas na ng ospital habang walang napaulat na nasaktan na Pilipino sa Iran.










