--Ads--

Nagkaroon ng pagkakamali sa repatriation ng mga labi ng OFW na si Jenny Alvarado mula Kuwait.

Sa halip na kanyang katawan, labi ng isang banyaga mula Nepal ang naiuwi sa Pilipinas.

Ayon sa ulat mula sa Philippine Embassy sa Kuwait, nasawi ang OFW na si Jenny Alvarado at dalawang iba pang dayuhang manggagawa noong Enero 2 dahil sa suffocation mula sa usok ng heating system sa kanilang pinagtatrabahuhan sa Kuwait.

Gayunpaman, nang dumating ang mga labi noong Enero 10, nadiskubre ng pamilya na hindi si Jenny ang kanilang natanggap.

--Ads--

Nanawagan naman si Assistant Minority Leader at Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas na magsagawa ng masusing imbestigasyon kaugnay sa nangyari sa labi ng overseas Filipino worker (OFW) na si Jenny Sanches Alvarado.

Humingi naman ng paumanhin si Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac sa pamilya Alvarado kaugnay ng insidente. Inaasahan namang  darating ang totoong mga labi ni Jenny sa bukas, araw ng Huwebes.