CAUAYAN CITY – May paalala ang isang dalubhasa sa mga vlogger o mga gumagawa ng video content na mukbang o pagkain.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Melanio Lazaro, sinabi niya na nauunawaan naman niyang ito ang pinagkakakitaan ng ilan o karamihan ng mga kababayan subalit payo niya na bago paman gumawa ng content o kumain ng kung ano ano ay dapat matiyak na wala silang anumang karamdaman o komplikasyon.
Payo niya sa mga content creator na ugaliing iprayoridad ang kalusugan bago pa man magshoot o kumuha ng content lalo na kung ito ay mukbang.
Tiyaking nakapagpasuri muna sa doktor upang malaman kung ano ang mga maaaring komplikasyong idulot ng labis nilang pagkain.
Hindi naman niya inirerekomenda o hinihiling na I-ban ng Department of Health ang mukbang gayunman dapat itong maregulate para matiyak na wala nangmasawi sa nasabing gawain.
Matatandaan na nasawi ang isang content creator o vlogger matapos atakihin o mastroke dahil sa labis na pagkain ng Lechon.