--Ads--

Mariing iginiit ni Energy Secretary Sharon Garin nitong Martes na hindi pa opisyal na kinakaharap ng Pilipinas ang isang oil crisis, kahit na mahigpit na binabantayan ng mga awtoridad ang mga pandaigdigang aberya sa enerhiya.

Dagdag pa ng kalihim, seryosong tinutugunan ng Department of Energy (DOE) ang sitwasyon at lumalampas pa sa itinakdang mandato ng ahensya.

Ayon sa DOE, nakahanda na ang mga contingency measures at tuloy-tuloy ang koordinasyon sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga fuel suppliers upang matiyak ang matatag na suplay.

Gayunman, ilang senador ang nanawagan na kilalanin na ng DOE ang sitwasyon bilang isang krisis, kabilang si Senadora Loren Legarda.
“’Wag na tayong maligaw sa pagsasalin o magpanggap na walang krisis. Hangga’t hindi natin ito tinutukoy bilang krisis, hindi tayo kikilos nang mabilis para mailigtas ang ating mamamayan,” ani Legarda sa unang pagdinig ng Senate committee on proactive response and oversight for timely and effective crisis strategy.

--Ads--