--Ads--

CAUAYAN CITY – Tiwala ang Department of Finance (DOF) na mapapahusay ng Convention on Mutual Administrative Assistance in Tax Matters o MAAC ang pangangasiwa ng buwis sa bansa.

Ito ay matapos aprubahan kamakailan ng Senado ang partisipasyon ng Pilipinas sa MAAC, isang global agreement para sa tax cooperation, na naglalayong pigilan ang tax evasion at tax avoidance.

Positibo si Finance Secretary Ralph Recto sa buong pagpapatupad ng MAAC, at iginiit na malaki ang papel nito sa pagtaas ng revenue capacity ng Pilipinas upang matugunan ang lumalaking pangangailangan.

Ang MAAC ay ang pinakamalawak na multilateral agreement na magagamit para sa lahat ng anyo ng administrative cooperation sa mga signatories sa tax assessment at collection.

--Ads--

Ito nilikha ng Organization for Economic Co-operation and Development (OECD) at ng Council of Europe noong 1988 at binago noong 2010 na nilagdaan ng 147 bansa at niratipikahan ng mahigit 100 bansa.