--Ads--

CAUAYAN CITY- Tuluyan nang idineklara ng Department of Health na Malaria free province ang Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Marvin Valiente, Dengue and Malaria Coordinator ng Intergrated Provincial Health Office (IPHO) sinabi niya na sampong taon na ang nakakalipas simula noong huling nakapagtala ang lalawigan ng kaso ng malaria.

Pagpapaliwang ni Valeinte na isa sa mga batayan sa deklarasyon sa isang lugar na Malaria free ay ang hindi pagkakatala ng indigenous case o kaso na galing mismo sa loob ng probinsiya.  

Nobyembre ng taong 2014 sa bayan ng San Mariano, Isabela huling naitala ang kaso at aniya na simula disyembre 2014 hanggang sa kasalukuyan ay zero case na ng malaria sa lalawigan.

--Ads--

Lubos namang nagagalak ang pamunuan ng IPHO sagpakat makalipas ang ilang dekada na pakikibaka sa sakit na malaria ay nagbunga lahat ng pagsisikap ng ahensiya para makamit ang malaria free status.

Dagdag pa ni Valiente, tuloy tuloy ang kanilang koordinasyon sa mga RHUs at CHOs sa lalawigan para sa pagsasagawa ng blood smearing at  boarder spraying operation lalo na sa mga lugar na prone sa sakit sapagkat iniiwasan umano ng kanilang ahensiya ang muling pagkakatala ng sakit na malaria sa lalawigan.

Nanawagan naman siya sa publiko na makipagtulungan sa mga ahensiya ng pamahalaan kontra malaria.

Pinangunahan naman ni DOH Underscretary Dr. Glenn Matthew Baggao ang deklasyon sa Provincial Capitol maging nadin ang pagbibigay ng isang milyong piso na mula sa DOH para magamit ng pamahalaang panlalawigan sa pagpapanatili na malaria free ng Isabela.