--Ads--

CAUAYAN CITY- Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ngayong araw ang isang bagong naitalang kaso monkeypox o mpox sa Pilipinas.   

Ayon sa ahensya na ang naturang bagong kaso ay isang 33-anyos na lalaking Pilipino na walang travel history sa labas ng Pilipinas.

Ngunit ayon din sa ahensiya na mayroon umanong “close, intimate contact” ang lalaki tatlong linggo bago lumabas ang sintomas nito.

Sa ngayon batay sa ulat ng DOH, ito ang unang kaso ng mpox sa bansa ngayong taon. Huling kaso ay noong Disyembre 2023 kaya umabot na sa 10 ang kabuuang caseload.

--Ads--