--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinumpirma ng pamunuan ng Department of Health (DOH) region 2  ang pagkakaroon na ng tatlong bagong COVID-19 variant sa Lambak ng Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Regional Director Rio Magpantay ng DOH region 2 na may tatlo silang namonitor na variant ng COVID-19 sa rehiyon na kinabibilangan ng isang South African at dalawang UK variant na matatagpuan sa Isabela.

Gayunman ay magaling na ng mga pasyente sa kasalukuyan.

Sa ngayon ay inaalam pa ng DOH Region 2 kung ito ang dahilan ng pagtaas ng kaso sa ilang lugar sa rehiyon pangunahin na sa Isabela.

--Ads--

Ayon kay Dr. Magpantay, dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ilang lugar sa rehiyon ay may mga lokal na pamahalaan na ang humihiling na itaas ang quarantine status sa kanilang lugar.

Payo naman niya sa lahat na para mapababa ang kaso ay dapat maintindihan ng mga LGUs ang prevention, detection, isolation at Treatment protocol.

Ang pahayag ni Regional Director Rio Magpantay