--Ads--

Ilalabas sa Pebrero ng Department of Health (DOH) ang bagong guidelines para sa medical assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients.

Ayon sa pahayag ng DOH nitong Sabado, Enero 17, ang guidelines ay base sa direktiba ng Pangulo na ang guarantee letter mula sa mga halal na opisyal ay hindi na kailangan na bayaran ng pasyente sa ospital.

Sa ilalim ng bagong guidelines, palalakasin ang benepisyong saklaw sa ambulatory care, ambulatory surgical clinics, eye centers, ophthalmology services, dental services, free-standing dialysis clinics, at sa mga gamot na aprubado ng Food and Drug Administration.

Kasama rin sa mga pagbabago ang 100% inclusion coverage ng Professional fees ng mga doktor alinsunod sa mga patnubay ng DOH.

--Ads--

Ang pondo para sa MaIFIP ay tumaas mula P41 bilyon noong 2025 General Appropriations Act (GAA) hanggang P51.6 bilyon ngayong taon na magsisilbing basehan para sa mga bagong guidelines.