--Ads--

Pinag-aaralan ng Department of Health (DOH) ang posibilidad ng pagtaas ng mga kontribusyon sa PhilHealth premium para sa mga indibidwal na napatunayang lumalabag sa public safety laws.

Sinabi ni Department of Health (DOH) spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo na sa pamamagitan ng pagbabago ng patakaran ay magi­ging “deterrent” ito upang pigilan ng mga magulang ang kanilang mga anak na gumamit ng paputok gayundin ang mga nagmamaneho ng sasakyan na piliing huwag lumabag sa batas trapiko.

Isa sa hinahanapan ng paraan ang mga informal settler o mga magulang na walang trabaho na binabalikat ng gobyerno ang PhilHealth.

Binanggit ni Domingo ang naitalang 1,113 road accidents na karamihan ay mga riders na hindi nagsuot ng helmet at nagmaneho ng nakainom ng alak, mula Disyembre 21 hanggang Enero 2.

--Ads--

Mataas aniya ito ng 82% kumpara sa naitala sa parehong panahon noong nakalipas na taon.

Sa kasalukuyan, ang mga DOH hospitals sa bansa ay nagpapatupad ng zero billing na tinutustusan ng gvob­yerno kaya pinag-aaralan kung paano papanagutin sa bayarin ang mga tulad na kaso.