--Ads--

CAUAYAN CITY – Aminado ang Department of Health (DOH) Region 2 na may kakulangan ng Anti-Rabbies Vaccine sa Lambak ng Cagayan dahil sa kakulangan ng pondo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Mar Wyn Bello, Regional Assistant Director ng DOH Region 2, sinabi niya na kasalukuyan ang procurement ng mga anti-rabies vaccine para sa taong 2024.

Sa ngayon ay 50% pa lamang ng kabuung bilang mga nasa Category 2 at Category 3 patients ang nabigyan ng DOH ng  bakuna habang ang natitirang 50% na ibinibigay sa mga Animal Bite Center ay binibili na ng mga Local Government Units.

Samantala, nakarating na rin sa DOH ang ilang impormasyong pinag babayad ng mga LGU’s ang mga pasyenteng nagpapabakuna ng Anti-Rabies kaya panawagan at pakiusap nila na hanggat maaari ay huwag sanang pagbayarin ang mga pasyente dahil binabayaran naman ng Pilhealth ang 50% ng bakuna sa mga Philhealth accredited Animal Bite Centers para sa Category 2 at 3.

--Ads--

Isa sa nakikita nilang problema dito ay ang pagbili ng ilang LGUs kapag may shortage at ibinbigay na libre para lamang sa kanilang constituents at pinagbabayad naman ang mula sa ibang municipality.

Bilang hakbang ay hindi na lamang ang Central Office ng DOH ang bumibili ng bakuna dahil maging sila ay naglaan na rin ng pondo para mapunan ang kakulangan sa bakuna.

Maliban sa kakulangan sa bakuna ay may kakulangan din sa mga Animal Bite Center kaya hinihikayat din nila ang bawat LGU na magtatag ng Animal Bite Center  kasabay ng pagsasagawa ng training.

Ayon pa kay Dr. Bello makatwiran ang paniningil sa mga pasyente subalit kailangan ay nakapaloob ito sa isang polisiya na may official receipt para sa mga binabayaran nila.