--Ads--

CAUAYAN CITY – Inihayag ng pamunuan ng Department of Health (DOH) region 2 na naging maganda na ang sitwasyon sa ikalawang rehiyon tungkol sa COVID-19 matapos na mapabilang sa mga tinutukan sa mga nagdaang linggo dahil sa mataas na bilang ng mga naitalang nagpositibo sa virus.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Rio Magpantay ng DOH Region 2, sinabi niya na bumabalik na sa dating numero ang kanilang datos sa mga nagdaang araw.

Aniya, dahil sa mga nagdaang holiday ay tinutukan ng DOH ang rehiyon dahil sa maraming naitalang kaso.

Matatandaang idineklarang high risk ang ilang lugar sa region 2 na nakapagtala ng mataas na bilang ng mga COVID-19 positive.

--Ads--

Dahil dito ay hiniling ng kagawaran sa mga pribadong ospital na tumanggap na rin sila ng pasyente ng COVID-19.

Tumugon naman ang ilang ospital at naglaan ng 20% ng total bed capacity para sa mga COVID-19 patients.

Ayon kay Dr. Magpantay, kailangang magtulungan ang lokal at pambansang pamahalaan sa paglalaan ng mga community isolation units at quarantine facilities para sa mga nagpositibo sa virus.

Tiniyak ni Dr. Magpantay na hindi magpapabaya ang DOH region 2 kahit pa bumaba na ang kaso ng virus sa Lambak ng Cagayan.

Patuloy aniya ang upgrading ng mga level 3 hospitals sa rehiyon tulad ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City, Southern Isabela Medical Center sa Santiago City (SIMC) at Region 2 Trauma and Medical Center (R2TMC) sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ito ay para sa kanilang karagdagang bed capacity upang mapaghandaan sakaling magkaroon muli ng mataas na  bilang ng mga magpopositibo sa COVID-19.

Ang pahayag ni Dr. Rio Magpantay