--Ads--

CAUAYAN CITY- Hihigpitan ng Kagawaran ng Kalusugan o DOH Region 2 ang monitoring sa sakit na monkeypox na maaaring makapasok sa Lambak ng Cagayan hanggat walang idinedeklarang local transmission ng sakit.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Mar Wynn Bello – Assistant Regional Director – DOH Region 2 sinabi niya na sinasanay na nila ang mga health workers sa mga pagamutan maging sa mga Rural Health Units kaugnay sa sakit na Monkeypox.

Isa sa mga pangunahing itinuturo ay kung ano ang Monkeypox, paano ito nakakahawa at paano ito maiiwasan.

Aniya, importante malaman ng mga health workers ang mga mahahalagang impormasyon sa nasabing upang matututkan kung sakali mang magkaroon na ng kaso sa Lambak ng Cagayan.

--Ads--

Kabilang sa common symptoms ng monkeypox ay lagnat, sore throat at rashes na hawig sa chickenpox.

Sakali mang magkaroon ng sintomas ay wala pang available na gamot laban dito subalit maaari itong agapan sa pamamagitan ng paggamit ng mga antiseptic dahil ang monkeypox ay kusang gumagaling pagkatapos ng dalawang linggo.

Ang pasyenteng makikitaan ng sintomas o kaya nagpositibo sa monkeypox ay isasailalim sa isolation dahil ilan sa mga mode of transmission nito ay skin o direct contact, secretions o laway at pakikipagtalik.

Pinapayuhan ngayon ang publiko na kung makaramdam ng sintomas ay agad na ipag bigay alam sa mga health workers para matugunan o magawan ng hakbang para pigilan ang paglaganap nito.

Para maiwasan ang sakit ay kailangan iwasan lumapit  mula sa mga taong may sintomas o positibo sa sakit