--Ads--

CAUAYAN CITY – Nilinaw ng DOH Region 2 na ang 13 na kaso ng delta variant na naitala sa Isabela ay mula lamang sa tatlong munisipalidad sa lalawigan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Nica Taloma, Collaborating Center for Decease Control and Prevention Head ng DOH Region 2 na ang 13 na naitala sa Isabela ay 9 lamang ang mula sa bayan ng Tumauini, 3 sa bayan ng Luna at isa sa lunsod ng Santiago.

Matatandaang sa unang inilabas na impormasyon ng Isabela Provincial Information Office ay 10 ang mula sa bayan ng Tumauini habang tig-iisa sa Luna, Divilacan at lunsod ng Santiago.

Aniya, ang inilabas na datos ng kagawaran ay batay sa kasalukuyang address ng mga kaso.

--Ads--

Ang iba kasi aniyang kaso sa Luna ay may iba pang address pero kung saan sila nagtatrabaho o kung saan sila nakatira ngayon ay ito ang susundin kaya naging tatlo ang kaso sa naturang bayan.

Tinig ni Dr. Nica Taloma.