--Ads--

Nakaalerto na ang Department of Health o DOH Region 2 kaugnay sa mga posibleng maging biktima ng Fireworks Related Injuries ngayong Kapaskuhan at sa Bagong Taon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Nurse Pauline Keith Atal, Head ng Health Promotion Unit ng DOH Region 2, sinabi niya na nagsimula na silang magbigay ng paalala sa publiko sa mga masusustansyang pagkain ngayong Pasko maging ang kaligtasan ng mga motorista sa daan dahil sa pag-uwi ng karamihan sa kanilang mga lugar.

Nagbibigay rin sila ng paalala kaugnay sa paggamit ng paputok at pag-iwas na sa mga ito.

Yearly na aniya ang ganitong mga kampanya ng DOH kaya alam na rin ng bawat ospital sa rehiyon ang kanilang ginagawa upang sumunod sa panuntunan tulad sa mga firecracker related injuries.

--Ads--

Magsisimula na ang surveillance ng DOH sa Dec. 21 kaya kasalukuyan na rin ang deliveries ng mga commodities na kakailanganin para sa mga emergency situation ngayong Pasko at Bagong Taon.

Sa kasalukuyan ay wala pa naman silang naitatalang firecracker related incident sa rehiyon.