--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakapagbigay na ang DOH Region 2 ng paunang bayad sa Special Risk Allowances o SRA ng mahigit labimpitong libong health workers sa rehiyon na umabot sa mahigit P391 milyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Rio Magpantay, ang Regional Director ng DOH Region 2 sinabi niya na nasa 17,188 na health workers na ang nakatanggap ng paunang bayad sa kanilang SRA at umabot ito sa P384 milyon mula noong nakaraang taon hanggang nitong buwan ng Hunyo.

Nasa mahigit 1,300 health workers din na nakahabol sa pagsumite ng listahan ang nabigyan ng SRA at umabot ito sa P7.9 milyon.

Pagkatapos mabigyan ang mga nasabing health worker ay muling nagpasumite ng listahan ang DOH Region 2 noong nakaraang linggo at ito ay naibigay na sa DOH Central Office upang sila ang magproseso at magrequest ng kaukulang halaga sa DBM.

--Ads--

Ayon kay Dr. Magpantay walang naging isyu sa pamamahagi ng SRAs ng mga health workers sa rehiyon dahil sinunod nila ang paraan ng pamamahagi sa mga ito.

Karamihan sa mga dapat mabigyan ng SRA ay ang mga health workers na direktang nag aasikaso ng mga covid patient o nagtatrabaho o exposed sa mga covid hospitals.

Maliban sa Special Risk Allowances ay nagbibigay din ang DOH ng Hazard pay sa mga health workers maging ang mga personal protective equipmet o PPEs.

Ang bahagi ng pahayag ni Dr. Rio Magpantay.