--Ads--

Nakapagtala na ang Kagawaran ng Kalusugan o DOH Region 2 ng anim na Firecracker related injuries.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Nurse Paulene Kieth Atal ang Head ng Health Promotion Unit ng DOH Region 2  sinabi niya na, nagsimula ang  monitoring noong December 21, 2024 na tatagal hanggang sa January 3, 2025.

Tatlo sa nasabing bilang ay mula sa Lalawigan ng Isabela kung saan ang ilan ay naitala sa Cagayan.

Apat sa anim na kaso ay nasa edad 1 to 10 years old habang may isang kaso na 1 to 20 years old at isang kaso sangkot ang 21 to 30 years olds.

--Ads--

Karamihan sa mga injury ay naging dulot ng mga improvised na boga na karaniwang nangyari sa loob ng bahay.

Apat na biktima ang nagtamo ng blast burn injury at hindi na kinailangan ng amputation.

Ngayong taon ay kapansin pansin ang bahagyang pagtaas ng mga nasugatan dahil sa paputok.

Magpapatuloy ang monitoring ng DOH sa mga maitatalang kaso sa bawat pagamutan sa buong labak ng Cagayan at mananatiling naka alerto para sa mga emergency cases.