--Ads--

CAUAYAN CITY – Nilinaw ng DOH Region 2 na mga bagong kaso ng Delta Variant ang limang naitala sa Rehiyon at hindi na-reswab lamang at ipinadala sa Philippine Genome Center.

Ito ang tugon ni Dr. Taloma sa pahayag ni mayor Arnold Bautista ng Tumauini, Isabela na ang naiulat na bagong kaso ng delta variant sa kanilang bayan ay remnants o ni-reswab na apat na muling nagpositibo sa isang barangay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Nica Taloma, ang Head ng Collaborating Center for Disease Control and Prevention ng DOH Region 2 sinabi niya na ang mga dinadala sa Philippine Genome Center ay ang mga pasok sa laboratory criteria ng DOH tulad ng mga kasong severe o critical ang category kaya ipinapasuri.

Tinitingnan din ng DOH kung gaano karami ang viral load sa katawan ng nagpositibo at kapag mataas ang bilang ng virus sa katawan ay madaling nadedetect ng machine kaya ipinapadala sa Philippine Genome Center.

--Ads--

Ayon kay Dr. Taloma, ang mga nagpositibo ay nakarekober na at nakumpleto na rin nila ang kanilang isolation at wala na rin silang sintomas ng covid 19 ngunit muling sasailalim sa reswabbing upang matiyak na sila ay hindi na infected ng virus.

Nilinaw din niya na pareho ang paraan ng pagbibigay impormasyon sa resulta ng pagsusuri sa mga variants of concern at sa mga regular na covid positive.

Tiniyak din niya na nagagawa ng tama ang pagbibigay sa sensitibong impormasyon ng mga nagpositibo sa delta variants at sa kanilang close contacts.

May special action team din ang DOH Region 2 na nangangalap ng impormasyon ng mga pasyente para sa isasagawa nilang imbestigasyon at upang malaman kung nagkakaroon na ng lokal na transmisyon o clustering ng kaso sa isang lugar.

Muling iginiit ni Dr. Taloma na hindi inirerekomenda ang paghome quarantine sa mga nagpositibo sa Covid 19 dahil maaaring makahawa ito sa kanyang kasama sa bahay.

Ang bahagi ng pahayag ni Dr. Nica Taloma.