--Ads--
CAUAYAN CITY – Nagpaalala ang Department of Health (DOH) region 2 sa mga magpipinitensiya tulad ng pananakit sa sarili at pagpapapako sa krus bukas, Biyernes Santo.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Rio Magpantay, regional director ng DOH region 2, sinabi niya na mainam ang ibayong pag-iingat ng mga nagpapakasakit para maiwasan na magkaroon ng malalang sakit.
Ipinaalala niya agad na lapatan ng lunas ang mga matatamong sugat.
Iginiit din niya na maraming ibang paraan ng penitensiya maliban sa pananakit sa sarili gaya taimtim na pagdarasal.
--Ads--