
Magsasagawa ng Ligtas Christmas sa Healthy Pilipinas Campaign ang Cagayan Valley Center for Health Development ng DOH Region 2.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Information Officer Julie Ann Dulin ng DOH Region 2 sinabi niya na idedessimenate nila ang nasabing kampanya sa mamamayan sa susunod na linggo sa pamamagitan ng kanilang mga social media platforms.
Aniya inihahanda na ang mga materials at impormasyon tungkol sa ligtas na pagdiriwang ng pasko.
Wala namang motorcade na maisasagawa ngayon ang kagawaran na taunan nang isinasagawa dahil sa kasalukuyan pa rin ang pandemiya.
Aniya binubuo ng tatlong components ang Ligtas Christmas sa Healthy Pilipinas Campaign; ang una ay “magdiwang o magsagawa ng mas ligtas na mga aktibidad ngayong holiday season tulad ng may good airflow sa venue, pagsunod sa mga minimum public health standards tulad ng pagsusuot ng facemask at paghuhugas ng kamay; ang ikalawang component ay ang pagkain ng mga masusustansyang pagkain at pag iwas sa alak.
Ang pangatlong component ay ang pag iwas sa mga fireworks related injuries o pag iwas sa pagpapaputok ng mga firecrackers at piliin na lamang ang mga alternatibong pampaingay sa pagdiriwang ng pasko.
Ayon kay Information Officer Dulin manood na lamang sa mga community fireworks display upang makaiwas sa aksidente.
Ipinaalala rin ng DOH Region 2 na iwasan na rin muna ang paggamit ng mga torotot dahil maaring dito magsimula ang pagkalat ng virus dahil sa laway na nailalabas tuwing gumagamit nito.
Ayon sa DOH Region 2 wala pang napapaulat na mga kaso ng mga naputukan ng firecrackers sa rehiyon at kanilang iginiit na naghahanda na rin sila para sa mga kakailanganing gamot na ibibigay sa mga ospital para sa mga firecracking incident na maitatala.










