--Ads--

CAUAYAN CITY – Tiniyak ng Department of Health (DOH) region 2 na sapat ang suplay ng oxygen sa mga pribado at pampublikong ospital sa rehiyon bilang paghahanda sa posibleng pagdami ng kaso ng COVID-19 bunsod ng delta variant.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Rio Magpantay, panrehiyong direktor ng DOH region 2 na sa kasalukuyan ay walang problema sa suplay ng oxygen sa ikalawang rehiyon.

Aniya, karamihan sa mga namamatay na kaso ay nauubusan ng oxygen sa katawan kaya dapat marami ang suplay para may ayuda sa paghina ng mga pasyente.

--Ads--

Sakali mang magkulang ay mayroon na rin silang plano para agad na matutugunan.

Sa mga government hospital naman ay mayroon ding planta sa loob ng pagamutan na nagpoproduce ng oxygen.

Panawagan niya sa publiko na pag-ibayuhin pa rin ang pag-iingat at kung hindi pa nababakunahan ay magpabakuna na lalo na kung kabilang sa mga priority group.

Ang pahayag ni Regional Director Rio Magpantay