Tiniyak ng Department of Health (DOH) na handa ang Pilipinas sa sakit na Nipah virus lalo at hindi na ito bago sa bansa.
Ayon kay DOH spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo, unang naitala ang kaso ng naturang virus noon pang 2014 sa Sultan Kudarat kung saan naitala ang 17 kaso nito.
Paliwanag ng opisyal, kabilang sa sintomas ng pagkakaroon ng virus ay pagkakaroon ng flu, pamamaga ng utak at meningitis.
Nakukuha rin aniya ito mula sa pagkain ng karne ng kabayo at pakikisalamuha sa indibidwal na mayroong Nipah virus.
Mula aniya noong 2014, patuloy ang isinasagawang monitoring ng Epidemiology Bureau sa nasabing virus at wala na itong naitatalang kaso ng sakit mula noong 2014.
Sinabi naman ng World Health Organization ang NiV ay isang zoonotic virus na maaaring makuha o mailipat sa pamamagitan ng kontaminadong pagkain at indibidwal.
Iniulat pa nito na ilang bat species na matatagpuan sa bansa na at risk sa pagkakaroon ng naturang virus.










