--Ads--

Pasok na sa witness protection program (WPP) ang ilang mga personalidad na iniuugnay sa maanomalyang flood control scandal.

Sa press briefing, kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na itinuturing nang state witnesses sina dating DPWH Usec. Roberto Bernardo, dismissed Bulacan district engineer Henry Alcantara, dating DPWH-NCR director Gerard Opulencia, at SYMS Construction owner Sally Santos.

Ibig-sabihin, hindi na sila itinuturing na mga respondent sa kaso.

Samantala, hindi naman na-admit sa WPP ang dalawa pang miyembro ng tinaguriang ‘BGC Boys’ na sina dating DPWH engineers Brice Hernandez at Jaypee Mendoza.

--Ads--

Hindi raw sila nakitaan ng sapat na dahilan para ma-qualify at ma-consider bilang mga state witness.

Sa kabuoan, umabot na sa higit P300-M ang halaga ng na-recover at nasauli sa DOJ mula sa mga personalidad na iniuugnay sa flood control mess.

Sinabi ni Justice Secretary Fredderick Vida, ang pagsasauli ay nagpapakita ng kahandaan nilang makipag-cooperate bilang mga testigo sa anomalya.