--Ads--

CAUAYAN CITY – Inamin ng pamunuan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na limitado ang kanilang kakayahan na matukoy ang mga illegal foreign workers sa bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Secretary Silvestre Bello III ng DOLE na sa buong bansa ay may humigit kumulang 90,000 na negosyo at kompanya kumpara sa kanilang inspector na wala pang isang libo.

Sinabi ni Kalihim Bello na nangangailangan sila ng karagdagang 5,000 inspector upang matukoy ang mga illegal foreign workers at para matulungan ang mga inaabusong manggagawang Pilipino.

Inihayag pa ni Atty. Bello na idinulog na niya ito kay Finance Secrteary Carlos Dominguez III na kanya namang tinugunan.

--Ads--

Sa susunod na dalawang linggo aniya ay madadagdagan na ng 500 inspectors ang tanggapan ng DOLE.