--Ads--

CAUAYAN CITY-Patuloy na naka monitor ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Public Employment Service Office (PESO) Cauayan sa mga micro establishment upang magsagawa ng Technical Advisory Visit.

Sa pagpapahayag ni Atty. Divina Joy Gonzales, binanggit niya na isa sa kanilang programa ay ang pagbisita nila sa mga establisyimento at alamin ang kondisyon ng mga empleyado.

Iniiwasan naman na mayroong maitalang pang aabuso sa mga manggagawang Cauayeño tulad na lamang ng hindi tamang pagpapasahod sa mga ito.

Umiikot ang DOLE at PESO upang malaman kung nasa wastong kalusugan din ang mga manggagawa at hindi pisikal na inaabuso .

--Ads--

Bukod dito ay nagsasagawa na rin ng orientation ang mga nabanggit na tanggapan upang ipaliwanag ang tungkulin ng mga business owners at ipaalam sa mga empleyado ang kanilang karapatan.