--Ads--

CAUAYAN CITY-Muli ay nagbigay linaw ang Department of Labor and Employment o DOLE Region 2 sa mga alituntunin sa pagpili ng mga benipisyaryo sa ilalim ng TUPAD Protgram.

Sa naging pahayag ni Regional Director Jesus Elpidio Atal Jr. Ng DOLE Region 2 sinabi niya na, sa ngayon ay maganda ang flow ng pagpapatuad sa TUPAD program para sa 174,147 benificiaries sa buong Rehiyon.

Aniya sa kabila ng ilang problema ay nagpapatuloy ang implementasyon nito lalo ng magsimula na itong maging regular na programa ng kanilang ahensiya na target na tulungan ang mga disadvantage workers at displaced workers.

Muli ay nilinaw ng DOLE Region 2 na alinsunod sa kanilang alituntunin ay hindi ipinagbabawal ang pagsali sa TUPAD program ang mga kaanak ng mga politiko o kawani ng Pamahalaan hangat sila ay kwalipikado o apektado dahil sa kawalan ng trabaho.

--Ads--

Batay sa General Rule isang beses lamang sa isang taon maaaring maging benipisaryo ang isang indibiduwal sa programa maliban na lamang kung sila ay apektado ng kalamidad gaya na lamang ng nangyari nitong nakaraang taon kung saan sunod sunod ang bagyong tumama sa Luzon kung saan maraming mga benipisaryo ang naapektuhan ng paulit-ulit.

Dahil batid ng Pamahalaan na sila ay nangangailangan ng tulong kaya naman may pagkakataon na sila ay isinasailalim sa Programa.

Sa dami ng mga nangangailangang kababayan ay pinaprayoridad nila ang higit na nangangailangan o poorest of the poor kasabay ng panawagan na hanggat maaari ay pagbigyan din ang iba na makinabang sa programa.