CAUAYAN CITY- Nagbabala si Labor Secretary Slvestre Bello III sa mga kumpanyang hindi sumusunod sa batas hinggil sa pagkakaloob ng 13th month pay ng kanilang mga empleyado.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Kalihim Bello na mahaharap sa kaso at madoble ang multa ng kompanya o may-ari ng establisimiento kapag napatunayang hindi nagbibigay ng sapat na 13th month pay sa kanilang mga empleyado.
Ipinaliwanag ni Atty. Bello na nakasaad sa batas na karapatan ng isang empleyado na makatangap ng 13th month pay.
Ang pagbibigay umano ng 13th month pay ay maaaring sa kalagitnaan ng taon o bago sumapit ang pasko.
Nilinaw ni Kalihim Bello na hindi kasali sa legal obligation ng mga employer ang pagbibigay ng christmas bonus sa mga empleyado.
Hinimok pa ni Secretary Bello ang mga empleyado na hindi makakatanggap ng 13th month pay na magtungo sa tanggapan ng DOLE para magreklamo.