--Ads--
CAUAYAN CITY-Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mapapauwi ang lahat ng mga overseas filipino workers sa libya ngayong isinailalim na sa alert level 4 dahil sa nagaganap na civil war sa nasabing bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello 111 na ngayong itinaas na sa alert level 4 ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon sa Libya ay kakausapin nila ang mga overseas filipino workers sa nasabing bansa.
Kapag nagmatigas ang mga OFW na sumailalim sa force repatriation ay nagbabala si Labor Secretary Bello na ipapakansela nila sa DFA ang kanilang mga pasaporte.
Mapipilitan anya nila itong gawin para sa kaligtasan ng mga manggagawang pinoy sa Libya.
--Ads--