--Ads--

Naitala ng Department of Labor and Employment o DOLE Region 2 ang halos 100% compliance sa bagong wage order sa Lambak ng Cagayan.

Sa datos 648 na mga establisyimento ang dumaan sa monitoring kung saan 527 o 81.32% ang nag comply.

Mula sa 121 non-compliant establishments ay humabol at tumalima sa wage order ang nasa 79 establishment after inspection na nagpataas sa compliance rate sa 94% para sa buong Region 2.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DOLE Regional Director Jesus Elpidio Atal Jr. Sinabi niya na taon taon ay sinisilip nila ang compliance ng mga establisyimento na may sampo o higit pang empleyado kaugnay sa pagpapatupad ng labor standards kabilang ang  minimum wage at benepisyo ng mga mangagawa.

--Ads--

Aniya bagamat karamiha sa mga establisyimento o negosyo sa Region 2 ay kabilang sa Micro Small or medium enterprise na may mga empleyado na sampu pababa kaya ipinatupad nila ang technical releasing scheme kung saan ang mga maliliit na negosyo ay binibigyan nila ng orientation sa mga umiiral na labor standard para mahikayat silang tumalima dito.

Ilan lamang sa mga nakapaloob sa Labor Standar ng DOlE ang pagbibigay ng tamang minimum wage, 13th monthpay, Nigth differencial pay, over time pay, holiday pay maging ang occupational safety standards.

Batay sa monitoring ng DOLE Region 2 katuwang ang mga PESO office sa bawat munisipalidad  karamihan sa mga employer sa Lambak ng Cagayan ay nakakatalima naman sa umiiral na minimum wage ngayon sa Region 2 na aabot na sa 480 pesos per day para sa non-agriculture at 460 pesos para sa agriculture.

Muli ay nag paalala ang DOLE  sa mga establisyimentong hindi tumatalima sa umiiral na wage order kung saan unang bibigyan ng mga Labor Inspector ang employer ng  20 days para mag complay subalit kung hindi tatalima ito ay dadaan na sa hearing bago mag issue ng order of compliance ang Regional Director kung hindi parin tatalima ay saka ito mabibigyan ng Writ of Execution sa tulong ng sherif para ipatu[ad ang kautusan ng DOLE Regional Office.

Kung wala paring magiging aksyon ang employer ay maaari nang kunin ng DOLE ang ari-arian ng employer gaya ng bank accounts upang maibigay ang nararapat na sahod at benepisyo ng kanilang empleyado.